Wednesday, September 2, 2009

Client Meetings

At ang resulta sa suot-suot kong sandals nung mga panahon na yon:

'Di bale nakapag-shopping naman ako pagkatapos.

Turista

Ang mga noypi mahihilig sa piktyuran. Asahan mo yan pag nagbyabyahe, magpo-pose yan nang magpo-pose sa bawat sulok na mapupuntahan. 'Remembrance ga!' 'Souvenir ba'. At hindi lang sa bagay na yon, ultimo sa eroplano, lalo na pag-international ang flight, saksakan nang daming dalang mga bagahe; mga balikbayan box na puno ng spam, sabon at lotion. Kahit nai-check-in na eh nde mo malaman kung bakit andami paring dalang hand carry. Kaya matutukoy mo agad kung noypi, pag maraming dala...ah! pauwi na yan!

Hindi naman masama ang ganitong nakagawian. Nagpapahiwatig ito na tayo ay maalalahanin at hindi maramot. Bibigyan ng mga pasalubong ang mga kaanak at kung kakayanin pa minsan eh pati na ang buong barangay. Pagkatapos ay ipagmamalaki kung san-san sila nakarating. Patunay ang mga pictures na dala. Bawat kanto, bawat may signage, bawat view. Mahilig talaga ang mga pinoy sa ganito.

Ayos lang siguro kung galing ka sa ibang bansa. Pero minsan naiisip ko at medyo nakaka-ilangan ko na rin, ay kung halimbawang maglakbay ka sa loob lamang ng Pilipinas. Napakaliit ng pinas kumpara sa ibang mga bansa. Ngunit nakakahiya man sabihing, kahit man ako ay hindi ko pa halos nararating ang mga magagandang lugar na dinadayo sa atin ng mga turista. Nakakatawang napuntahan ko na ang disneyland sa anaheim, pero hindi man lamang ako sumubok tumungtong sa enchanted kingdom. Sa Phuket beach ng thailand, pero hindi ko pa nabibisita ang 'El Nido' sa Palawan. Buti na lang ay kahit papaano nakarating na ako ng Boracay. Pero take note, isang beses lang XD.

Kaya't makailan lang, muli akong nakapaglakbay sa bandang bisayas. Trabaho ang aking ipinunta. Nakakalungkot diba? Marami akong nakasabay na porenjers na mukhang mas kabisado pa ang lugar kesa sa akin. Pakiramdam ko ay nahihiya ako. Isa lang din naman akong pilipinong may ugaling magpapicture ng marami lalo na sa lugar na unang beses ko palang narating, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko ito nagawa.

Dahil ayokong magmukhang turista sa sarili kong bansa
.

Thursday, August 27, 2009

Banner Reenactment

Sa disoras ng gabi; walang pasabi-sabi. Pinagmamasdan ko ang inyong mga mukha; walang kasawa-sawa. Ngingiti...bubungisngis...hahagikgik...tatawa..., kaya sa bandang huli...kita niyo naman, ako'y na-karma XD.


Ops walang magagalit!
Ang pikon ay laging talo!

Tuesday, August 25, 2009

Ribbon Cutting

Sa tuwing kami'y nagluluto merong nilalang na pumupwesto sa likod. Click nang click sa cellphone habang naglalagay kami ng lahok. Akala namin nagte-text ngunit malayo pala sa ganoon. Kumukuha pala cya ng picture! Para ma-i-blog daw nya sa susunod na hapon. Blog? Ano yun? Kung hindi mo alam, magpabaril ka na lang sa Luneta kesa sa mairita pa ako sa pagpapaliwanag sayo ngayon.

Daig ka pa ni Lola Techie. Idol ko talaga siya. Sana ganyan din lola ko pero saglit, hindi yan ang topic ko ngayon.

Ano nga pala? Ay, oo...ang nilalang na lagi kaming bina-blog. Matiyaga siyang nagpo-post araw-araw at laging natutuwa. Bakit nga ba nde ko rin ito gawin at baka sakaling ako'y matuwa rin? Kaya't ako'y napaisip at nagmuni-muni. Ano bang pwede kong likhain?

Ako'y pumikit. Humikab. Nagkamot ng tiyan.

Hindi pala madaling umisip ng magandang isulat. Medyo na-stress ako at napagod. Ayoko ng ganon. Stress na sa trabaho, stress pa rin sa libangan. Kaya napagnilay-nilayan kong huwag na lang alalahanin. Bahala na, basta't mag-enjoy lang.

Kaya simula sa gabing ito, akin nang opisyal na binubuksan ang kauna-unahan kong blog site. (para-'in' na rin ako XD ) Marami pong salamat sa nag-tiyagang nagbasa at magbabasa pa sa hinaharap. Kung meron man.


Ribbon Cutting

(>.<) Haaaaa? Ano daw? (>.<)
Ano nga kaya? Kaw, ano sa tingin mo?
.
.
.
Nyahahahahaha!