Hindi naman masama ang ganitong nakagawian. Nagpapahiwatig ito na tayo ay maalalahanin at hindi maramot. Bibigyan ng mga pasalubong ang mga kaanak at kung kakayanin pa minsan eh pati na ang buong barangay. Pagkatapos ay ipagmamalaki kung san-san sila nakarating. Patunay ang mga pictures na dala. Bawat kanto, bawat may signage, bawat view. Mahilig talaga ang mga pinoy sa ganito.
Ayos lang siguro kung galing ka sa ibang bansa. Pero minsan naiisip ko at medyo nakaka-ilangan ko na rin, ay kung halimbawang maglakbay ka sa loob lamang ng Pilipinas. Napakaliit ng pinas kumpara sa ibang mga bansa. Ngunit nakakahiya man sabihing, kahit man ako ay hindi ko pa halos nararating ang mga magagandang lugar na dinadayo sa atin ng mga turista. Nakakatawang napuntahan ko na ang disneyland sa anaheim, pero hindi man lamang ako sumubok tumungtong sa enchanted kingdom. Sa Phuket beach ng thailand, pero hindi ko pa nabibisita ang 'El Nido' sa Palawan. Buti na lang ay kahit papaano nakarating na ako ng Boracay. Pero take note, isang beses lang XD.
Kaya't makailan lang, muli akong nakapaglakbay sa bandang bisayas. Trabaho ang aking ipinunta. Nakakalungkot diba? Marami akong nakasabay na porenjers na mukhang mas kabisado pa ang lugar kesa sa akin. Pakiramdam ko ay nahihiya ako. Isa lang din naman akong pilipinong may ugaling magpapicture ng marami lalo na sa lugar na unang beses ko palang narating, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko ito nagawa.
Dahil ayokong magmukhang turista sa sarili kong bansa.
