Wednesday, September 2, 2009

Turista

Ang mga noypi mahihilig sa piktyuran. Asahan mo yan pag nagbyabyahe, magpo-pose yan nang magpo-pose sa bawat sulok na mapupuntahan. 'Remembrance ga!' 'Souvenir ba'. At hindi lang sa bagay na yon, ultimo sa eroplano, lalo na pag-international ang flight, saksakan nang daming dalang mga bagahe; mga balikbayan box na puno ng spam, sabon at lotion. Kahit nai-check-in na eh nde mo malaman kung bakit andami paring dalang hand carry. Kaya matutukoy mo agad kung noypi, pag maraming dala...ah! pauwi na yan!

Hindi naman masama ang ganitong nakagawian. Nagpapahiwatig ito na tayo ay maalalahanin at hindi maramot. Bibigyan ng mga pasalubong ang mga kaanak at kung kakayanin pa minsan eh pati na ang buong barangay. Pagkatapos ay ipagmamalaki kung san-san sila nakarating. Patunay ang mga pictures na dala. Bawat kanto, bawat may signage, bawat view. Mahilig talaga ang mga pinoy sa ganito.

Ayos lang siguro kung galing ka sa ibang bansa. Pero minsan naiisip ko at medyo nakaka-ilangan ko na rin, ay kung halimbawang maglakbay ka sa loob lamang ng Pilipinas. Napakaliit ng pinas kumpara sa ibang mga bansa. Ngunit nakakahiya man sabihing, kahit man ako ay hindi ko pa halos nararating ang mga magagandang lugar na dinadayo sa atin ng mga turista. Nakakatawang napuntahan ko na ang disneyland sa anaheim, pero hindi man lamang ako sumubok tumungtong sa enchanted kingdom. Sa Phuket beach ng thailand, pero hindi ko pa nabibisita ang 'El Nido' sa Palawan. Buti na lang ay kahit papaano nakarating na ako ng Boracay. Pero take note, isang beses lang XD.

Kaya't makailan lang, muli akong nakapaglakbay sa bandang bisayas. Trabaho ang aking ipinunta. Nakakalungkot diba? Marami akong nakasabay na porenjers na mukhang mas kabisado pa ang lugar kesa sa akin. Pakiramdam ko ay nahihiya ako. Isa lang din naman akong pilipinong may ugaling magpapicture ng marami lalo na sa lugar na unang beses ko palang narating, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko ito nagawa.

Dahil ayokong magmukhang turista sa sarili kong bansa
.

8 comments:

  1. wow naman, makatang makata ang dating a... pero sa totoo lang, totoo nga 'to...hahahah...naalala ko tuloy ung "The Alchemist"...anjan ka na nga pero mas minabuti mong pumunta pa kong saan...hehehhe...wala lang..ewan kong tama ba 'tong sinasabi ko....

    ReplyDelete
  2. ayus ang grafics mas detailed na!!! wow!!! nagiging adik ka na talaga. hahahaha!!! uu indi mo kelangan maging turista sa sarili mong bansa, magiging "WOW Philippines" ka lang (sabi nga ni mel)..what a term..hahahaha!!! ang saya nun!!! lalu na kng me budget. :))

    ReplyDelete
  3. elden: cyempre tama ang sinabi mo. isang magandang halimbawa yung ganito. pero pwede din yan sa lablyf. kung san san ka pa tumitingin pero andyan lng haha echos!

    ReplyDelete
  4. sheena: oo adik na ako. yung susunod medyo kalokohan. heto kasi maypagka seryoso. :p

    ReplyDelete
  5. ipost mo na yung mahiwagang tsinelas! geym! hahahaha :))

    ReplyDelete
  6. bukas yun...bukas. medyo mahaba grapix non. haha.

    at sori pala kay hotaru at nabanggit ko yung tunay na name.

    ReplyDelete
  7. hi majah... hehehe hmmmp nahirapan akong magbasa dahil mahina ako sa filipino, I have to agree at one point, ako din hindi pa ko nakakatong tong sa mga magagagandang lugar sa pilipinas, pero nakatong tong na ako sa africa, india, europe, dubai, abudabi,sharjah, fujirah. At hirap din akong umintindi ng sarili nating wika. Ang Wika nating pambansa ang ating salita bayan kong sinilangan hangad ko lagi ang kapayapaan.

    from: your kapatid tiny

    ReplyDelete
  8. Aba sa wakas nakapag-comment din si kapatid tiny. Medyo may user error nga lang sa umpisa bago nakita kung pano mag-post. hehe

    ReplyDelete