
Ano nga pala? Ay, oo...ang nilalang na lagi kaming bina-blog. Matiyaga siyang nagpo-post araw-araw at laging natutuwa. Bakit nga ba nde ko rin ito gawin at baka sakaling ako'y matuwa rin? Kaya't ako'y napaisip at nagmuni-muni. Ano bang pwede kong likhain?
Ako'y pumikit. Humikab. Nagkamot ng tiyan.
Hindi pala madaling umisip ng magandang isulat. Medyo na-stress ako at napagod. Ayoko ng ganon. Stress na sa trabaho, stress pa rin sa libangan. Kaya napagnilay-nilayan kong huwag na lang alalahanin. Bahala na, basta't mag-enjoy lang.
Kaya simula sa gabing ito, akin nang opisyal na binubuksan ang kauna-unahan kong blog site. (para-'in' na rin ako XD ) Marami pong salamat sa nag-tiyagang nagbasa at magbabasa pa sa hinaharap. Kung meron man.

(>.<) Haaaaa? Ano daw? (>.<)
Ano nga kaya? Kaw, ano sa tingin mo?
.
.
.
Nyahahahahaha!
hahaha!!! ang galing majah! napakahusay! binabati kita sa una mong lathala. :D sinu kaya yung blog ng blog ng niluluto nyo? hahahaha!!! mai-blog nga! :))
ReplyDeleteisang masigarbong clap! apir. =)
ReplyDeleteoo nga...sino nga kaya yun. mabisita nga blog na yun. :P
ReplyDeletemyke: ma-add nga kita sa links ko hehe
majah??
ReplyDeletedba un ung white cake n may sweet corn bits!?
prang d naman ribbon cutting
kxe bukod sa linyang puti n prang meralco wire at ung aligator clip n nakasabit
prang nag papaseries na sasakyan....
maha blanka XD
ReplyDeletepa-series ng sasakyan? nde ko alam yun ah.
Pero feel free to be creative sa pag-interpret.